Tinawag ni US President Donald Trump ang lider ng Simbahang Katolika na si Pope Leo XIV na “weak” o mahina sa usapain ng krimen at “terrible” pagdating sa foreign policy.
Ginawa ni Trump ang pahayag laban sa Santo Papa matapos batikusin ng catholic leader ang foreign at immigration policies ng US President.
Nag-ugat ang kritisismo ng American Pope sa banta ni Trump na wasakin ang Iranian civilization, na tinawag ng pontiff na “unacceptable” o hindi katanggap-tanggap.
Nanawagan din si Pope Leo ng malalim na pagninilay sa paraan ng pagtrato sa mga migrante sa Amerika sa ilalim ng administrasyon ni Trump.
Sa isang post, sinabi naman ni Trump na dapat ayusin ni Pope Leo ang kaniyang kilos bilang Santo Papa at inamin sa mga mamamahayag na hindi umano siya “big fan” ng pontiff.
















