Nagbanta si U.S. President Donald Trump na maaaring ilipat ang 2026 FIFA World Cup games mula sa Boston dahil umano sa mga isyu sa seguridad at pamumuno ni Mayor Michelle Wu.
“I love the people of Boston, but your mayor is not good,” ayon kay Trump, sabay banat kay Wu bilang isang “radical left.” Aniya, maaari siyang direktang makipag-ugnayan kay FIFA President Gianni Infantino upang ilipat ang mga laro sa ibang lungsod kung kinakailangan.
Ayon pa kay Trump, handa siyang direktang makipag-ugnayan kay FIFA President Gianni Infantino para ilipat ang mga laro sa ibang lungsod kung kinakailangan.
Kasama sa nakatakdang venues ang Gillette Stadium sa Foxborough, Massachusetts, na 30 miles lamang ang layo mula sa Boston na siyang maaaring mag-host ng pitong laro.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang kampo ni Mayor Wu, habang nilinaw ng FIFA na sila pa rin ang may huling desisyon ukol sa mga venue ng naturang international sporting event.