Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na nagkaroon na ng mas malawak na kasunduan sa pagitan nila ng Iran.
Dagdag pa nito na bukod sa mga mas malaking kasunduan ay maaari na ring mabuksan ang Strait of Hormuz.
Magkakaroon lamang ng pagsasapinal sa pagitan ng US at Islamic Republic of Iran kasama ang ilang mga bansa.
Nakausap ni Trump sa telepono ang ilang grupo ng mga Gulf at regional leaders kasama na ang galing sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Pakistan, Turkey, Egypt, Jordan at Bahrain para talakayin ang negosasyon na napapalibot sa Iran.
Sa hiwalay din na pagkakataon ay nakausap din niya sa telepono si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kung saan nagkaroon din ng magandang resulta.
Kasalukuyan ng pinag-uusapan nila ang ilang detalye ng nasabing kasunduan.
Magugunitang makailang ulit na nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng US at Iran subalit hindi ito nagkakaroon ng magandang resulta.
















