-- Advertisements --

Naniniwala si President Donald Trump na karaniwang bagay na lamang ang pagsailalim ng isang indibidwal sa coronavirus testing.

Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na negatibong resulta na ipinapakita sa tuwing sumasailalim sa COVID-19 testing ang pangulo.

Ayon kay US Vice President Mike Pence, araw-araw nang susuriin ang American president maging ang lahat ng makakasalamuha nito sa White House.

“As the president indicated, the White House now has initiated an effort that the president and I not only will be tested every day, but I think everyone that comes into contact with the president will be tested every day,” ani Pence.

Nagpositibo kasi sa naturang virus ang personal valet ni Trump na siyang naghahanda ng kaniyang pagkain araw-araw.

Sinabi nito na wala siyang masyadong contact sa naturang personal valet kung kaya’t kumpyansa siya na hindi ito nahawaan ng nakamamatay na virus.

Kaugnay nito ay nagawa ring ipagmayabang ni Trump ang kalidad at bilang ng tests na isinasagawa sa Estados Unidos.

“We were testing once a week, now we’re going to go testing once a day, but even when you test once a day, someone could, something happens where they catch something,” wika ni Trump.

Sa ngayon ay nagunguna pa rin ang Amerika sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng coronavirus.