-- Advertisements --

Bahagyang lumakas ang tropical depression “Florita.”

Sa pinakahuling bulletin ng Pagasa, taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 55 kph habang ang pagbugso naman ay 70 kph.

Huli itong namataan sa layong 540 km east ng Tuguegarao City, Cagayan.

Gumagalaw ang bagyo pa-west southwest.

Sa ngayon, nakataas naang tropical cyclone wind signal No. 1 sa northern portion ng Aurora partikular ang Dilasag, eastern portion ng Isabela kabilang na ang Dinapigue, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City at San Mariano at eastern portion ng Cagayan kasama na ang Peñablanca at Baggao.

viber image 2022 08 21 17 38 33 932

Dahil sa naturang bagyo, asahan bukas ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Batanes at Aurora.

Bukas ng gabi naman o hanggang sa Martes, mararanasan ang malakas at minsan ay torrential rains sa Batanes, Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region.

Mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na ulan naman ang mararanasan sa Central Luzon at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.