-- Advertisements --
image 34

Naglabas ng pahayag si Police Regional Office 7 Director, Police Brigadier General Roderick Augustus Alba kasunod ng nagyaring pang-aatake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga sakop ng pulisya kahapon Nobyembre 1 sa Barangay Trinidad, Guihulngan City Negros Oriental.

Sinabi pa ni Alba na hindi na bago sa kanila ang pag-atakeng ito dahil lagi pa itong ginagawa ng mga teroristang komunista tuwing abala ang mga awtoridad sa iba’t ibang okasyon tulad ng Undas.

Una rito, nangyari ang pang-aatake habang naglunch break ang pulisya kung saan biglang pinaputukan ang mga ito ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng NPA na nag-udyok na gumanti na ng putok ang mga ito.

Tumagal ng ilang minuto ang engkuwentro at wala namang naiulat na nasugatan.

Samantala, nakaalerto ngayon ang pulisya sa lugar kasunod ng mga engkwentro kamakailan sa pagitan ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army at NPA sa Guihulngan City nitong nakalipas na limang araw.