-- Advertisements --

Nagbigay ng tribute para sa pumanaw na si Queen Elizabeth II ang isinagawang fireworks displays sa United Kingdom sa pagdiriwan ng bagong taon.

Ito kasi ang unang full New Years celebration mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic.

Aabot sa mahigit 100,000 katao ang dumalo sa nasabing fireworks displays sa London.

Nasa 12 minuto ang itinagal ng fireworks displays sa kahabaan ng Thames Embankments.

Itinuturing ni London Mayor Sadiq Khan na ito na ang pinakamalaking kaganapan sa Europe.