Handang-handa na ang triathlon team ng Pilipinas na sasabak sa Individual and Mixed Team Relay race sa Asian Championships 2022 na gaganapin sa bansang Kazakhstan ngayong darating na Linggo, Setyembre 18.
Mula sa 8 triathletes, tatlo dito ay Cebuano na sina Andrew Kim Remolino, Raven Faith Alcoseba, at Karen Andrea Manayon.
Maliban sa kanila, kasama din sa team sina 31st Southeast Asian Games gold medalists Fernando Casares at Kim Mangrobang at 2019 SEA Games gold medalists John Leerams Chicano, Gene Heart Quiambao, at Josh Ramos.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Alcoseba, sinabi nitong inaasahan na niyang magiging mahirap ang kumpetisyon lalo pa’t makakalaban nila ang Top 1 at 2 mula sa ibang bansa sa Asya.
Inihayag din ni Alcoseba na magiging hamon umano para sa kanya ang malamig na panahon doon at posibleng makaapekto sa race ngunit umaasa naman siyang maging maayos ang kanyang transition.