Hiniling ni House trial spokesperson at Kabataan Party-list Rep. Atty. Renee Co na humarap si Vice President Sara Duterte sa unang araw ng kanyang impeachment trial.
Ayon kay Co, umaasa siyang hindi “mang-ghost” o umiwas ang bise presidente sa paglilitis.
Iginiit din niya na mahalagang matapos ang impeachment process bilang bahagi ng pananagutan sa publiko at upang mabigyan ng kasagutan ang mamamayan.
Nanawagan din si Co sa mga senator-judges na gampanan ang kanilang tungkulin nang may pagiging patas at dedikasyon para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Ang pahayag ni Co ay kasunod ng nalalapit na impeachment trial ng Pangalawang Pangulo na nakatakda bukas, July 6,2026.
“Our one wish is that VP Sara doesn’t ghost the Filipino people on Day 1 of the trial,” pahayag ni Rep. Co.
















