-- Advertisements --
Ipinagbawal ng Egypt ang gaganaping concert ng rapper na si Travis Scott.
Ayon sa grupong Egyptian Musicians Syndicate na ang nasabing concert ng American rapper ay labag sa kanilang tradisyon.
Ang hakbang ay nagbunsod mula sa online campaign na pagbabawal sa nasabing rapper na magtanghal.
Kadalasang kasing nagsasagawa ng concert ang rapper sa ibaba ng sikat na pyramid sa Egypt malapit sa Cairo.
Paglilinaw nila na maaring nilang payagan na magsagawa ng konsyerto ang sinuman basta hindi ito labag sa kanilang kinagisnang tradisyon.