-- Advertisements --

Pinuna ng Defend Jobs Philippines ang pamahalaan dahil umano sa hindi seryosong pagtugon sa nararanasang krisis sa transport sector bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay spokesperson Defend Jobs Philippines Spokesperson Ted Lazaro, matagal nang isinusulong ng kanilang hanay ang pangmatagalang solusyon, hindi lamang ayuda o subsidy, kundi ang pagbabasura ng mga batas na nagpapataas sa presyo ng krudo.

Kabilang sa kanilang panawagan ang pagbawi sa excise tax at VAT sa produktong petrolyo at ang pagbasura sa Oil Deregulation Law upang direktang mapababa ang presyo ng gasolina at diesel.

Giit ng grupo, ramdam ng transport sector ang matinding epekto ng krisis sa Gitnang Silangan, at dapat umanong kumilos ang gobyerno para sa pangmatagalang solusyon.

Dagdag pa ni Lazaro, may agam-agam sila sa paggamit ng buwis ng gobyerno, at iginiit na dapat ay hindi ito napupunta sa korapsyon. (Report by Bombo Jai)