-- Advertisements --
cropped LTFRB office 2

Nanawagan ang isang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aralan ang posibleng pagsasaayos ng pamasahe kasunod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo kamakailan.

Ayon kay national president ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na si Boy Rebaño dapat umanong masusing pag-aralan ng ahensya ang desisyon kung itaas din ang presyo ng pamasahe sa mga pampublikong mga sasakyan.

Dagdag pa niya, marapat din na araling mabuti ng ating gobyerno, lalo na ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa kasalukuyan ang memorandum na inilabas

Kapag nausisa nang maigi ang nasabing memorandum, dapat na daw gumawa ng desisyon ang mga kinauukulan para magkaroon ng adjustment sa pamasahe.

Kung matatandaan, noong 2019, naglabas ng Memorandum Circular No. 2019-035 na sumasaklaw sa automatic fare adjustment system para sa public utility vehicles dito sa ating bansa.