-- Advertisements --
Pumanaw na ang presidente ng transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na si Zenaida “Zeny” Maranan sa edad na 75-anyos.
Ayon sa pamilya Maranan, sumakabilang buhay ang dating 1UTAK partylist congressman matapos na ma-confine sa ospital dahil sa matagal na nitong iniindang sakit.
Bukas sa publiko ang burol sa labi ng dating mambabatas simula Lunes, Hulyo 13, hangang Martes, Hulyo 14, sa Haven of Angels Memorial Chapels and Crematorium sa Sumulong Highway, Antipolo.
Sa isang panayan, sinabi ng asawa ng pamangkin ni Maranan na si Ronald Zapanta, kahapon ng alas-5:00 ng hapon nang pumanaw ang dating kongresista dahil sa cardiac arrest.