-- Advertisements --

Inaprubahan na rin ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang training ng mga student athletes o ang collegiate atheletic activities.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pinapoayagan na ito sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modiefied general community quarantine (MGCQ).

Gayunpaman, kinakailangan pa ring makasunod ang mga ito sa guidelines o mga panuntunan na itinatakda ng Department of Health (DOH) at Commission in Higher Education (CHED).

Ang desisyon na ito ng IATF ay kabilang sa mga naaprubahan sa huling pulong na ginawa ng noong Huwebes ng nakalipas na isang linggo.