-- Advertisements --

Bumabalik na sa pre-pandemic level ang dami ng mga pasahero na bumabiyahe sa mga pantalan.

Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago, na sa pagsisimula pa lamang ng Disyembre ay ramdam na ang tinatawag na revenge travels.

Sinasamantala ng mga mamamayan ang Christmas break kaya nagkakaroon ng siksikan sa mga pantalan na bumabiyahe sa iba’t-ibang isla ng bansa.

Inaasahan nila na abbot sa 57 milyon ang inter-island traffic sa mga pantalan ng bansa na mahigit doble sa 23-milyon ng kabuuan noong 2021.