
Posibleng makabiyahe na rin ngayong linggo ang mga tradisyunal na jeep na matagal nang hinihiling ng mga tsuper maging ng mga transport group.
Ayon kay Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Martin Delgra, bukas ay posibleng ilabas na nila ang listahan ng mga papayagang bumiyaheng jeep.
Maging ang mga ruta raw ng jeepney na papasada ay posibleng ilabas na rin bukas.
Dahil dito, sa araw ng Huwebes o Biyernes ay puwede nang pumasada ang mga tradisyunal na jeep.
Nasa 30 ruta naman daw ng jeepney ang maidadagdag 38 nang ruta ng mga minibuses na plinanong ipapalit sa mga jeep.
Maalalang noong isang linggo ay una nang pinayagang makabiyahe ang mga modernong jeepney na siyang dahilan kung bakit umaangal itong mga nagmamay-ari ng mga tradisyunal na jeep.
Ngayong araw naman pinayagan ang 980 units ng UV Express na bumiyahe sa 47 na ruta sa loob at labas ng National Capital Region (NCR).
















