Nagbigay-pugay ang Trade Union Congress of the Philippines(TUCP) sa naging kabayanihan ng pinay Overseas Filipino Worker(OFW) na nasawi sa kasagsagan ng giyera sa Israel.
Batay sa naging pahayag ng TUCP, pinakamataas na pagpupugay ang ibinibigay nito kay Angelyn Aguirre, na piniling bantayan ang kanyang pasyente kaysa iligtas ang kanyang sarili.
Maalalang maging ang mga opisyal sa Israel ay pinupuri rin si Aguirre dahil sa ipinakitang katapangan nang sumiklab ang kaguluhan sa naturang bansa.
Kasabay nito, hiniling din ng grupo kay PBBM na atasan na ang mga ahensiya ng pamahalaan na dagdagan pa ang mga tauhang nakadeploy upang matiyak ang kaligtasan ng mga pinay na naiipit sa kaguluhan doon.
Katwiran ng TUCP, nagawa ng Thailand at Singapore na makapag-deploy ng kanilang mga assets para sa i-evacuate ang kanilang mga kababayan kayat tiyak na magagawa din ito ng Pilipinas.