-- Advertisements --

Lalo pang lumawag ang deficit ng Pilipinas noong Oktubre dahil mas marami pa rin ang imports kaysa exports sa naturang buwan, base sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa preliminary data ng PSA, lumalabas na lumawak pa sa $4.016 billion ang goods deficit noong Oktubre, mas mataas ng 96.1 percent mula sa $2.048 billion sa kaparehong buwan noon namang 2020.

Maging ang trade gap noong Oktubre ay mas malawak din kaysa $3.995-billion deficit na naitala noong Setyembre.

Ang kabuuang external trade ng bansa pagdating sa mga goods ay nagkakahalaga ng $16.839 billion, mas mataas ng 15 percent mula sa $14.622 billion year-on-year.

Kapag mayroong deficit, ibig sabihin ay mas marami ang imports kaysa export receipts, habang kapag may surplus naman ay mas marami ang export shipments kaysa imports.


Noong Oktubre, ang China pa rin ang pinakamalaking supplier ng imported goods ng Pilipinas na nagkakahalaga ng $2.08 billion o katumbas ng 19.9 percent ng total imports sa naturang buwan.

Sinundan ito ng Japan, South Korea, Indonesia at US.