-- Advertisements --

Umabot sa mahigit limang milyong trabaho na may kinalaman sa turismo ang nalikha ng Department of Tourism.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, na dahil dito ay mayroong mahigit P2 trilyon na kita ang bansa dahil sa pagtaas ng bilang ng tourist arrival.

Dagdag pa ng kalihim na nagpapatunay lamang na patuloy ang paglago ng sektor ng turismo sa ating bansa.

Tuloy-tuloy din ang kanilang ugnayan sa mga iba’t-ibang bayan sa bansa para tulungan ang mga ito sa pagpapaunlad ng kanilang turismo.