-- Advertisements --
Tumaas pa sa 23,753 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa buong Central Visayas matapos madagdagan ng 30 base sa pinakahuling data na inilabas ng Department of Health kahapon.
Sa nasabing bilang, 21,064 ang mga gumaling habang 1, 379 ang mga namatay.
Sa ngayon, nasa 1, 310 ang total active cases sa buong rehiyon.
Samantala, umabot na sa 9,535 ang mga nakarekober mula sa nasabing virus nitong lungsod ng Cebu habang 682 na ang binawian ng buhay at 367 naman ang natitirang aktibo.