-- Advertisements --
BAGUIO CITY- Timbog ang Top Most Wanted ng La Trinidad, Benguet dahil sa patong-patong na kaso ng estafa.
Nakilala itong si Claire Sito Batolne, 50-anyos, walang trabaho, tubo at residente ng Bineng, La Trinidad, Benguet.
Nahuli ito sa pamamagitan ng isinilbing warrant of arrest dahil sa 60 na kasong estafa.
Nalaman ng mga otoridad na aabot na sa 44 ang syndicated estafa ang kaso ng suspek na kung saan 20 ang kaso nitong walang inirekomendang piyansa.