-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang lalaking tinaguriang Top 2 Most Wanted Person ng Negros Oriental matapos ang matagumpay na pagkaaresto nito ng pinagsanib-pwersa ng Cebu City Mobile Force Company, CCPO, CIDG Negros Oriental Police Field Unit, Regional Intelligence Unit 7, PNP Maritime Dumaguete City at Dumaguete City Police Station, NOPPO.

Isinagawa ang pag-aresto noong Lunes, Oktubre 3, sa Brgy. Daro, Dumaguete City, Negros Oriental sa bisa ng bench warrant.

Nakilala ang suspek na si Gabriel Larena Jr., a.k.a “Junjun”, 40 anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, bigong humarap sa korte si Larena sa nakatakdang araw na pagdinig sa kasong isinampa laban dito.

Mayroon itong kasong Qualified Rape in relation to RA 7610 na inisyu ni Hon. Fruto Garcia Teodorico III, Presiding Judge ng RTC7 Branch 86, Mandaue City, Cebu.

Matapos maaresto ang suspek ay agad itong dinila sa himpilan ng CIDG Negros Oriental Police Field Unit at isinailalim sa tamang proseso at desposisyon.