Iprinisinta ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa sa mga miyembro ng media nitong araw ng Lunes ang Top 10 graduates ng PNP Academy Class 2018.

Pinangunahan ito nina Cadet Fritz John Vallador na siyang class valedictorian, sinundan ito ni Franxis Fagkang; Jose Agustin; Jesstony Asanion; Myrick Paldingan; Christian Juego; Mae Montaño; Stephen Torrevillas; Anjay Causay at Maricar Ansus.

Nasa 106 na mga PNPA cadets ang magtatapos ngayong taon kung saan 76 dito ang mapupunta sa PNP.

Habang ang iba ay mapupunta sa Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection (BFP).

Hinamon naman ng class valedictorian na si Vallador ang kaniyang mga kaklase na maging magandang ehemplo at mabuting opisyal ng PNP, BJMP at BFP.

-- Advertisement --

Samantala, ayon naman kay Dela Rosa, ang mga bagong magtatapos sa PNPA ay kaniyang itatalaga sa PNP Special Action Force (SAF).