BOMBO DAGUPAN – Naaresto na ang Top 1 Municipal Level Most Wanted Person sa bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan ng Pangasinan sa kasong homicide.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Jerwin Cabreros, Deputy Chief of Police ng San Nicolas Municipal Police Station, sinabi nito na taong 2014 nang magkaroon ng pagtatalo ang suspek na kinilalang si Nicomedez Sabinay, 49-anyos, at ang biktima na noon ay nagpapatubig sa kanyang sakahan.
Sa imbestigasyon, nag ugat ang pagtatalo ng dalawa nang saglit umanong umalis ang biktima ay inilipat ng suspek ang patubig sa kanyang lupa at nang bumalik ang biktima ay dito na sila nagkasagutan na nag-udyok sa suspek na bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima na ikinasawi nito.
Umapela ang suspek sa kaso subalit na-denied at kinatigan ng korte ang naging unang desisyon ng Regional Trial Court Br. 72 .