Labis ang pasasalamat ni Toni Gonzaga na nakapiling na nito muli ang pamilya noong single pa, mahigit dalawang linggo mula nang mapaulat ang naranasang outbreak ng Coronavirus Disease (COVID).
Nag-post si Toni o Celestine Gonzaga-Soriano sa tunay na buhay ng larawan nila ng kanyang mommy Pinty na kanya raw namis ng todo.
Hangad ng 36-year-old TV host/actress na magtuloy-tuloy na ang kaligtasan at magandang lagay ng kalusugan ng mga ito.
Noong nakaraang buwan nang idetalye ng kanyang kapatid at artista ring si Alex Gonzaga ang two-week quarantine nito kasama ang kanyang mga magulang na kapwa nagpositibo sa COVID.
Dito ay isinisi ni Alex o Catherine Gonzaga sa tunay na buhay, ang pagkakaroon ng deadly virus dahil sa isa raw nilang kasama sa bahay na aniya’y nagpabaya noong mamasyal.
Ayon sa nakababatang Gonzaga, siya ang napuruhan ng COVID habang mild symptoms lang sa kanyang mga magulang gayundin sa non showbiz husband to be.
Nakahinga rin ito ng maluwag na hindi na nadamay pa ang kanyang ate Toni at asawang si Direk Paul Soriano pati kanilang anak kahit nakasalamuha pa bago maging COVID positive.
Nagpadagdag pa sa pagiging emosyonal ni Alex ay dahil sa maraming plano raw niya ang naunsyami o hindi natuloy kabilang ang dapat sana’y pag-iisang dibdib.