-- Advertisements --
Idinaan na lamang ni Tom Rodriguez sa pagtawa ang naranasang problema matapos maputulan ng internet service.
Nabatid na agad ding nagtungo ang 32-year-old actor sa customer service center ng kanyang internet provider kung saan napasubo siya sa mahabang pila.
Tatlong tumatawang emojis ang inilagay nito sa pahayag na maling billing statement pala ang natatanggap niya.
Dahil dito, ang ibinabayad niya ay napupunta rin sa maling account number.
Si Rodriguez ay kasintahan ng celebrity ding si Carla Abellana.