-- Advertisements --

Sinimulan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang imbestigasyon sa pumalyang radio frequency identification (RFID) system na nagdulot ng trapiko sa ilang expressways noong Holy week break.

Ayon kay TRB spokesperson Julius Corpuz kinakalap na nila ang mga datos kung gaano karami ang nagkaaberyang RFID stickers.

Paliwanag naman ng TRB official na maraming posibleng dahilan kung bakit hindi mabsa an RFID ng sasakyan gaya ng problema sa equipment o hindi magandang kondisyon ng RFID sticker.

Nakatakda namang ipatawag ang mga opisyal na namamahala sa expressways sa House of Representatives para magpaliwanag sa naturang isyu.

Matatandaan na noong Miyerkules Santo, ilang mga sasakyan ang nakaranas ng aberya at kinailangang hilain habang nakaranas naman ang cash lanes sa tollways ng mahabang pila ng mga sasakyan dahil sa mga motoristang walang RFID na dumadaan sa North Luzon Expressway.

Bilang solusyon, nagsagawa na ng dry run para sa Toll Collection Inter-Operability project na sinimulan noong Enero kung saan iisang RFID sticker na lamang ang gagamitin sa iba’t ibang expressways.

Nakatakda namang pag-aralan ito ng TRB at nakatakdang ilabas ang result sa Hulyo.