-- Advertisements --

Nakabawi ang TNT Tropang Giga matapos talunin ang Terrafirma Dyip 101-89 sa napapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo ng TNT ang import na si Bol-Bol na nagtala ng 35 points, 14 rebounds at apat na blocks sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Naitala rin ni Calvin Oftana ang 20 points at 12 rebounds habang mayroong tig-siyam na puntos sina Roger Pogoy at Brandon Ganuelas-Rosser para sa TNT.

Laking pasalamat na lamang ni coach Chot Reyes dahil hindi kumpleto ang mga manlalaro ng Terrafirma.

Mayroon ng tatlong panalo at dalawang talo ang TNT habang ang Terrafirma ay mayroong tatlong panalo at tatlong talo.

Nasayang naman ang nagawang 24 points at 17 rebounds ni import Mubashar Ali para sa Terrafirma.