-- Advertisements --
Pinahiya ng TNT Tropang Giga ang San Miguel Beermen 96-81 sa 2021 PBA Governors’ Cup.
Matapos kasi na naging tabla sa 40-all ang laro sa pagtatapos ng first half ay doon na umarangkada ang TNT na nagtapos sa 65-59 sa pagtatapos ng third quarter.
Umabot pa sa 18 points ang kalamangan ng TNT sa last quarter.
Naging bida sa panalo ng TNT si Mikey na mayroong 30 points habang nakagawa ng 22 points at 26 rebounds ang kanilang import na si Aaron Fuller.
Nanghinayang naman si Beermen star June Mar Fajardo na nagtala ng 22 points at 14 rebounds at ang 18 points na nagawa ni Vic Manuel at 15 points ni Terrence Romeo.
Dahil sa panalo ay mayroong tatlong panalo at apat na talo ang TNT habang mayroong tatlong panalo at tatlong talo ang SMB.