Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang Titan Ultra 97-92 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Commissioner’s Cup.
Bumida sa panalo ng TNT ang import na si Bol Bol na nagtala ng 50 points , 16 rebounds at anim na blocks sa laro na ginanap sa Ynares Center II.
Nag-ambag naman ng 12 points at pitong rebounds si Rey Nambatac habang mayroong pitong puntos at limang rebounds at limang assists si Jayson Castro.
Sinabi nama ni TNT head coach Chot Reyes na kanilang ginawa ang lahat ng makakaya para magpatupad ng depensa.
Nasayang naman ang nagawang 33 points at 15 rebounds ni Michael Gilmore habang mayroong 21 points si Joshua Munzon para sa Giant Riser.
Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang TNT habang ang Titan ay maryoong dalawang panalo at limang talo.
















