-- Advertisements --
Hindi na makakapaglaro sa natitirang bahagi ng PBA Commissioner’s Cup si TNT Tropang Giga import Bol Bol.
Ito ay matapos na magtamo siya ng partial Achilles tear.
Natamo nito ang injury sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals sa pagitan nila ng Meralco Bolts.
Kinumpirma ni TNT team manager Jojo Lastimosa ang tuluyang pag-alis ng kanilang import sa arena.
Kasalukuyang sumasailalim ito ngayon ng Magnetic resonance imaging.
Dagdag pa nito na naghahanap na sila ngayon ng bagong import.
















