-- Advertisements --

DAGUPAN CITY- Sinampahan na ng patong-patong na kaso ang 35 anyos na tiyuhin na gumahasa sa 2 menor de edad na pamangkin kung saan isa sa mga ito ay siyam na Linggong nagdadalang tao sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pol Major Jake isidro Chief of Police ng Bugallon PNP na multiple counts of rape at statutory rape ang isinampang kaso sa 35 anyos na suspek .

2015 pa nang sinimulang gahasain ng suspek ang panganay na biktima na noon ay 12 anyos pa lamang at ngayon ay nagdadalang tao.

Lima hanggang anim na beses sa isang taon hinahalay ang biktima at ang pinakahuli ay nangyari noong June 17.

Ginahasa rin nito ang 12 anyos na pamangkin noong Decemper 25, 2018.

Kasama umano ng mga biktima ang suspek sa kanilang tahanan kasama ang kanilang 2 lola .

Nagtrabaho sa ibang bansa ang kanilang nanay na napag-alamang hiwalay na sa asawa.

Kinuha umano itong katiwala sa bahay ng ina ng mga biktima dahil bukod sa malapit ito sa suspek ay wala itong asawa at anak.

Inamin naman ng suspek ang ginawa sa mga biktima ngunit binigyang diin nito na kagustuhan din ng magkapatid ang pangyayari.