KALIBO, Aklan – Nahuli sa akto ng isang mister ang kanyang misis na kasama ang kalaguyo nito sa tinutuluyang boarding house sa C. Laserna St., Barangay Poblacion, Kalibo, Aklan.
Batay sa ulat, ang mister na si alias “Boy”, 35, ay isang overseas Filipino worker at tubong Libacao, Aklan.
Ang misis nito ay si alias “Girlie”, 32, tubong Banga at isang public school teacher; ; habang ang kalaguyo naman nito ay si alias “Tisoy”, 25, walang asawa at isang pulis.
Sina Girlie at Tisoy ay kapwa nahaharap ngayon sa kasong adultury.
Nabatid na palihim na umuwi si Boy mula sa ibang bansa para lamang malaman kung kanino nahuhumaling ang kanyang misis.
Lingid sa pagkakaalam ng ni Girlie, nasundan pala siya ni Boy sa tinutuluyan niya kasama si Tisoy.
Kaagad tumawag sa himpilan ng pulisya si Boy matapos na mahuli ang mga ito na magkasama.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa naturang insidente.
Samantala, sa interview ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty. Harry Sucgang na maliban sa kasong kriminal ay maaaring mahaharap rin ang dalawa sa kasong administratibo dahil kapwa government employee ang mga ito na posibleng magbunsod ng pagpapaalis sa kanila sa serbisyo.