-- Advertisements --

May mga malaking adjustments na gagawin ngayon ang Minnesota Timberwolves sa Game 2 ng Western Conference Finals nila ng Dallas Mavericks.

Sinabi Timberwolves coach Chris Finch, na matapos ang masaklap na pagkatalo nila 108-105 noong Game 1 sa sarili nilang homecourt ay kanilang pinanood muli ang laro.

Dagdag pa nito na sa kanilang ginawang film sessions ng koponan ay may mga nakita silang dapat na iadjust.

Aminado ito na labis siyang nadismaya dahil sa hindi lamang sa performance sila nagkaproblema at sa halip ay sa pag-uugali ng ilang mga manlalaro.

Umaasa ito na sa Game 2 ay mas paiigtingin ng kaniyang manlalaro ang depensa sa pangunguna ng kanilang star player na si Anthony Edwards at Rudy Gobert.

Magugunitang nakapasok sa Western Conference Finals ang Timberwolves matapos na ilampaso ang NBA defending champion na Denver Nuggets sa Game 7 ng second round playoffs.