-- Advertisements --

Nakatakda nang subukan sa India ang nakikitang rival o pantapat sa video-sharing app na Tiktok.

Ito ay ang Shorts na unang beses umanong isasalang sa India kung saan bawal ang nasabing app na pag-aari ng China.

Sa naturang competitor app naman ng YouTube, magiging limitado lamang ang mga video sa 15 segundo pero may mga kahalintulad ding mga feature sa Tiktok.

“(Shorts is) for creators and artists who want to shoot short, catchy videos using nothing but their mobile phones,” saad ng vice president of product management ng YouTube na si Chris Jaffe sa isang blog.

Nabatid na mahigit 50 applications na inilabas ng mga kompanya mula China ang ban sa India dahil sa mas lumalalang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito’y kahit pa ang India noon ang “biggest foreign market” ng Tiktok dahil halos 200 milyong katao sa buong India ang tumatangkilik nito.

Nitong Hunyo nang magkatensyon sa pagitan ng India at China dahil sa girian sa kanilang tropa-militar sa Galwan Valley sa border nila sa Himalayas. (BBC)