-- Advertisements --
Ikinatuwa ng maraming fans ni Tiger Woods dahil sa kaniyang muling pagbabalik sa mundo ng golf.
Agad ito kasing nakabawi sa mahinang simula niya sa Augusta National sa Georgia.
Ipinamalas ng 46-anyos na si Woods ang kaniyang poise at experience kaya naka-survive pa rin ito sa ikatlong round.
Ito ang unang torneo na kaniyang sinalihan matapos ang pagkakaaksidente noong nakaraang taon sa Los Angeles.










