-- Advertisements --
lotto2

BUTUAN CITY – Malaking problema ang pasan ngayon ng isang lotto bettor matapos mawala ang ticket ng umano’y napalanunan niyang jackpot prize ng Megalotto 6/45 na binola nitong Hulyo 17 ng gabi.

Base sa reklamo ni Joram Lumictin Pagaran, 38-anyos, binata at residente ng Brgy. Soriano, Cabadbaran City, lalawigan ng Agusan del Norte, nanalo siya sa tinayaan niyang number combination na 8-11-25-33. 43 at 45 na siya namang official result.

Aabot sa P113,065,050 ang jackpot prize sa 6/45.

Kahapon ng alas-9:00 ng umaga nang magsadya umano siya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) lotto outlet sa may Gee Pharmacy sa E. Luna St., Brgy. Sikatuna sa Butuan City upang ipa-check kung tama ba ang nasabing mga numbero at napakinggan pa umano niya ang salitang “congratulations.”

Ngunit ang saya at napalitan ng pagkadismaya dahil nang kunin na niya ang ticket ay iginiit ng sales representative na may agent number na 13013161, na wala umano siyang ibinigay na ticket sanhi ng kanyang pagdulog na sa Butuan City Police Station 1.