Nakatakdang harapin ng Oklahoma City Thunder ang Chicago Bulls sa season opener game ng bawat team para sa NBA 2023-2024.
Sa panig ng Thunder, inaasahang pangungunahan pa rin sila ni All-Star guard Shai Gilgeous-Alexander na unang nagtapos bilang pang-apat sa scoring list nitong nakalipas na season, hawak ang 31.4 points.
Inaasahang makakasama niya ang promosing star na si Chet Holmgren na ilang buwan ding hindi nakapaglaro dahil sa kanyang injury sa paa nitong nakalipas na season.
Bagaman karamihan sa mga players ng koponan ay mga bagito sa NBA, maraming mga sports analysts ang naniniwalang maganda ang magiging performance nito ngayong taon, mula sa 40-41 record nito sa nakalipas na season.
Sa panig ng Bulls, bagaman hindi sila nakapasok sa Playoffs nitong nakalipas na season, inaasahang magpapakitang-gilas pa rin ito sa buong liga.
Pangungunahan pa rin ito ng tatlong All-Star players: six-time All-Star swingman DeMar DeRozan, two-time All-Star guard Zach LaVine at two-time All-Star big man Nikola Vucevic.
Ang Season na ito ang pangatlong season na ng tatlong nabanggit na all star na magkakasama sa ilalim ng Chicago.