-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pumalag ang Land Transportation Office (LTO) sa umano’y nangyayaring anomaliya sa theoretical driving course.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay LTO Chief Asec. Edgar C Galvante, sinabi nito na kailangan talaga ang theoretical driving course bago kumuha ng student permit.

Ayon kay Galvante, walang katotohanan na money making scheme ang pag-enroll sa theoretical driving course.

Lahat aniya ng fee na binabayad sa kanila ay dumideretso sa kaban ng bayan at hindi sa kanilang mga bulsa.