-- Advertisements --

Hindi na tinapos ng Canadian singer na si The Weeknd ang kaniyang concert sa California matapos na mawalan ng boses sa kalagitnaan ng kaniyang pagtatanghal.

Matapos kasi ang apat na kanta sa SoFi stadium ay nagpasya ang singer na itigil ang concert.

Tiniyak nito sa mga sa audience na kaniyang ibabalik ang mga binayad nila sa pambili ng tickets.

Maghahanap na rin aniya sila ng bagong petsa para sa nasabing hindi natuloy na concert.

Nagsimula ang career ni The Weeknd o Abel Tesfaye sa tunay na buhay noong 2010 kung saan nagwagi na ito ng apat na Grammy Awards.