-- Advertisements --
Nagtala ng record sa kasaysayan ng PBA ang Terrafirma matapos ang panalo sa unang laro nila sa 50th Season Governor’s Cup.
Mayroon kasing 93 rebounds ang naitala ng Dyip ng talunin nila ang Titan Ultra 113-100.
Nahigitan nila ang record sa loob ng 43 taon na ito ay nagawa ng Gilbeys Gin na mayroong 87 rebounds noong Hunyo 25, 1983 noong tinalo nila ang Toyota 148-139.
Nakakulekta din ang Terrafirma ng 40 offensive rebounds ang second-best all-time.
Nanguna sa panalo ng Dyip si Geo Chiu na mayroong 23 rebounds habang ang import na si Justin Strings ay mayroong 16 rebounds.
















