
Tuloy-tuloy na raw ang pakikipag-ugnayan ng mga local telecommunications companies (telco) sa gobyerno para maharang ang nagpapatuloy na pagkalat ng scam text messages.
Ito ay sa pamamagitan na rin ng kanilang partnership sa national government.
Sa isang statement sinabi ng Globe Telecom Inc. (Globe) chief information security officer Anton Bonifacio na tuloy-tuloy daw ang kanilang pakikipag-ugnayan sa National Telecommunications Commission (NTC) at National Privacy Commission (NPC) para masawata ang mga cybercriminals at maprotektahan ag data privacy.
Sa ngayon, gumastos na raw ang naturang kumpanya ng P1.1 billion na capital expenditures para mapalakas ang kanilang kapasidad sa pag-detect at pag-block sa mga scam at spam messages ng international at local origin.
Mula Eneroo hanggang Hulyo, nakapag-block na raw sila ng 784 million scam at spam messages at nakapag-deactivate ng 14,058 scam-linked SIM cards at nakapag-blacklist ng 8,973 SIM cards.
Dagdag pa rito ang anim a raan at sampung na-block na domains o URLs.
Samantala, siniguro naman ng PLDT–Smart chief information security officer Angel Redoble sa kanilang mga users na walang ebidensiya sa breach sa kanilng network.
Nang busisin daw kasi ang naturang mga spam messages naobserbahan ng mga itong ang format ng pangalan ay ginaya sa naming conventions na ginagamit sa mga kilalang digital services.
Patuloy na rin daw ang kanilang pakikipag-ugayan sa NPC at NTC maging sa mga law enforcement agencies para tulungan silang matunton ang mga mga cybercriminals na responsable sa mga iligal na aktibidad.
Una rito, ipinag-utos ng NTC sa mga telcos na magpadala ng mga warning sa publiko laban sa mga scam text messages na nakalagay pa ang pangalan ng kanilang bibiktimahin.
Lumalabas na tumaas ang bilang ng kaso ng text scams noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Ilan sa mga mensahe ay naglalaman ng pangalan ng mga makatatanggap nito na nag-o-offer ng pekeng trabaho, nangangako ng monetary prize o kahalintulad ng money scams.
Sa pamamagitan naman ng pag-click sa mga ipinadalang mensahe ay posibleng makuha ng mga hackers ang impormasyon ng mga users.
Magagamit naman ang naturang mga impormasyon ng mga cybercriminals para makapag-log in sa bank account, digital wallet o social media account na magreresulta sa monetary at data privacy losses.
Samantala, buo naman ang suporta ng Philippine National Police (PNP) sa panukalang imbestigasyon ng Senate Committee on Public Services sa nagpapatuloy na pagkalat ng mga text scam messages.
Sinabi ni Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo, PNP deputy chief for administration mag-aambag at makikipag-cooperate daw ang police force kung sakaling matuloy ang imbestigasyon.
Ganito rin daw kasi ang suporta ng PNP sa mga nagdaang text scam cases na hinawakan ng kanilang Anti-Cybercrime Group.
Maliban dito, sinabi ni Malayo na suportado rin ng PNP ang pagpasa ng measure na nagre-require sa registration ng SIM cards na para madali lamang matukoy ng law enforcers ang mga scammers na ginagamit ang kanilang communication devices para mambiktima.










