-- Advertisements --

Ipinag-utos ngayon ni Minglanilla Cebu Mayor Rajiv Enad, na temporaryong suspendihin ang operasyon ng isang resort kasunod ng pagkalunod patay ng isang 20-anyos na lalaki kahapon, Hulyo 13.

Hindi na nagawa pang mailigtas ang biktimang si Claire Remocaldo, isang barista mula sa lungsod ng Carcar matapos nalunod sa isang pool at hindi agad napansin ng mga kasamahan nito sa team building activity.

Sinubukan pang i-revive ang biktima at dinala sa malapit na pagamutan, ngunit idineklarang dead on arrival.

Bumuo naman ang alkalde ng isang team mula sa Munisipyo upang tingnan ang insidente at magsagawa ng ocular inspection.

Nagsimula na ring magsagawa ng sariling pagsisiyasat ang lokal na pamahalaan upang matukoy kung may lapses ang resort at iminungkahing pag bubutihin pa ang kanilang precautionary measures upang matiyak ang kaligtasan ng mga bisita.