-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record si Taylor Swift ngayong 2024.

Ito ay matapos na malamapasan na niya si Elvis Presley bilang solo artist na may pinakamaraming weeks sa pagiging number 1 sa Billboard 200 charts.

Umabot sa 68 na linggo ang kabuuang nakuha ni Taylor sa pagiging numero uno para sa siyam nitong albums at apat na re-recorded albums.

Si Elvis Presley kasi ay unang may hawak na pinakamahabang records na aabot sa 67 weeks na nag-numero uno sa Billboard 200.