-- Advertisements --

 Nag-donate ng $100-K ang pop star na si Taylor Swift para sa biktima ng babaeng nasawi sa mass shooting incident noong victory parade ng Super Bowl team na Kansas City Chief.

Sa mensaheng nakalagay kasama ang donasyon, nakikiramay umano siya sa pagkawala ng kanilang kaanak. 

Inilagay ng pop star ang kanyang donasyon sa Go Fund Me na layong tulungan ang pamilya ng biktima na kinilalang si Elizabeth Lopez-Galvan. Gayundin ang 22 na nasugatan kabilang na ang ilang mga bata.

Kilala si Taylor Swift bilang boyfriend ng miyembro ng Kansas City Chief na si Travis Kelce kung saan ilang beses siyang nakikitang nanunuod ng games nito kabilang na ang katatapos lamang na championship.

Sa ngayon, mahigit 2,000 katao na ang nagbigay ng donasyon na umabot na sa $200-K.