-- Advertisements --
Inilabas na ni Taylor Swift ang bagong album nito.
Ang nasabing album na pinamagatang “Tortured Poets Department” ay double album na mayroong 31-kanta.
Ito na ang pang-11 studio album ng Grammy-winner.
Ang unang 16-na kanta nito ay nakakarelaks na kanta na may mabigat na lyrics.
Habang ang pangalawa na naglalaman ng 15-kanta ay may titulong “TTPD:The Anthology”.
Noong Pebrero habang tinatanggap niya ang award sa Grammy para sa best pop vocal ng 2022 ay doon niya inanunsiyo ang pagkakaroon ng bagong album.