-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kritikal ang lagay ng isang taxi driver sa Misamis Oriental matapos umanong masobrahan sa paggamit ng sex enchancer.

Batay sa ulat, isinugod sa Northern Mindanao Medical Center ang naturang driver matapos umanong atakihin habang nakikipagtalik sa isang guest relation officer (GRO).

Ayon kay “Mylin,” biglang bumulagta ang 51-anyos na driver kaya agad niya itong dinala sa pagamutan.

Nabatid na gumamit ito ng enhancer bago nangyari ang pagtatalik.

Ayon naman sa mga doktor ng ospital, dapat ikonsulta muna sa espesyalista ang paggamit ng sex enhancer dahil mapanganib umano ito sa tao kapag nasobrahan ng intake.