-- Advertisements --
Kumpiyansa si National Action Plan Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na maaabot ang target na 30,000 tests kada araw bago matapos ang buwan.
Sinabi ni Sec. Dizon na tinaguriang “Testing Czar,” kung nagsimula ang Pilipinas sa 500 tests lamang kada araw noong Marso, nitong Hulyo 9 ay naging 25,000 per day na.
Ayon kay Sec. Dizon, kaya malapit na umanong maaabot ang target na 30,000 tests kada araw dahil sa dumaraming testing laboratories at kits.
Malapit na rin daw makamit ang target na 1,000 tests sa buong bansa ngayong buwan at pagsapit ng 2021, makaka-test na tayo ng 10 million.