-- Advertisements --

“Ready to go at kumpleto na ang lahat.”

Ito ang ibinunyag ni national triathlon coach Roland Remolino kaugnay sa nalalapit na gaganaping Talisay City aquathlon sa darating na Oktubre 9 sa Brgy. Pooc lungsod ng Talisay.

Sa ekslusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Remolino, sinabi nitong ito pa umano ang kauna-unahang aquathlon sa lungsod.

Dagdag pa nito na kahit matagal na siya sa larangan ng triathlon ay baguhan naman ito bilang organizer ng nasabing event kaya nililimitahan lang nila sa 200 ang partisipante.

Inaasahang lalahok ang national teams mula sa Bohol, Ormoc, Dumaguete at iba pang panig ng bansa.

Inaabangan din si two-time SEA Games gold medalist Nikko Huelgas maging ang iba pang national team na nasa Aqaba Jordan ay magtutungo din umano sa Cebu.

May mga kategorya naman para sa mga batang may edad 7-15, junior elite category para sa may edad 16-19, 20 to 29,30 to 39,40 to 49 at
50 pataas.

May nakalaan namang mga papremyo para sa mga mananalo.

Maliban pa, magkakaroon din ng finisher medal ang lahat.