-- Advertisements --

Pinagbawalan ng Taliban ang mga kababaihan na mamasyal sa lahat ng mga parke sa Kabul.

Ayon sa tagapagsalita ng Vice and Virtue Ministry na sinabihan na nila ang mga nagbabantay ng parke na huwag papasukin ang mga kababaihan doon.

Nakakuha kasi ng ilang impormasyon ang ilang opisyal ng Taliban na hindi nasusunod ang Islamic lasw sa mga parke.

Mula noong mamuno ang militan Islamist sa Afhganistan noong Agosto 2021 ay hinigpitan ang karapatan ng mga kababaihan doon.